Nagsimula sa itinakdang oras ang guro. Isinasagawa ang mga pangunahing gawain, panalangin, pagwawasto sa mga dumalo sa klase at pagtatanong sa mga mag-aaral kung sino ang hindi pumasok. Pagkatapos ay nagsimula na sa panibagong aralin, nagbabalik-aral bago dumako sa araling itatalakay. Magaling ang guro sa pag-uugnay-ugnay ng nakaraang aralin sa bagong paksang tinalakay.